Saturday, June 26, 2010

ALAMAT NG PINYA

Noong araw, sa isang malayong bayan ay may naninirahang mag-asawa. Si Mang Juan at si Aling Maria. May anak silang dalaga si Pina. Mabait si Pina subalit siya ay may karamdaman at may kalabuan sin ang kanyang mga mata, ngunit hindi ito dahilan upang hindi niya sundin ang mag ipinag-uutos ng kanyang mga magulang. Ipagagamot sana ng mga magulang niya si Pina sa isang espisyalistang doctor sa mata, subalit ayon sa kanya mawawala rin ang panlalabo ng kanyang mga mata sa kalaunan. Ang katutuhanan nito’y dahilan lamang niya upang makaiwas sa mga iniuutos sa kanya at mas makapag-pahingan siya ng matagl.

Isang araw ay naisip ng kanyang ina na magpatulong sa paglalaba. Umiral na naman ang katamaran ni Pina. Imbes na tumulong siya sa paglalaba ay nagdahilan siya na sumasakit ang kanyang ulo dahil sa panlalabo dawn g kanyang mga mata. Mabuti na lang at nakapagpigil sa kanya ang kanyang ina at inunawa na lamang ang kalagayan ng anak.

Isang hapon dali-daling inutusan si Pina ng kanyang ina na kuhanin ang kaldero na paglulutuan ng pagkain dahil malapit nang dumating ang kanyang ama.

At si Pina ay sumunod naman s autos ng kanyang ina, subalit ng hindi na niya makita sa dating pinaglalagyan at ayaw na niyang maghanap pa. “Hindi kop o makita ang kaldero ina, marahil ay nawawala po ito.” Ang sabi ni Pina. Sa narinig ng kanyang ina ay hindi maialis na magalit it okay Pina. “Ano ka ba naman PIna?” paanong mawawala ang kaldero gayong kahapon lamang ay ginamit pa natin ito. Matuto ka namang maghanap. Sana ay tubuan ka ng maraming mata upang makita mo ang hinahanap mo,” ang hindi mapigil nag alit ng ina.

Si Pina ay malungkot na umalis upang hanapin ang kaldero. Nagtungo siya sa malapit sa kanilang tarangkahan at doon ay naupo sioya sa may ilalim na puno. Habang siya’y nagmumun-muni ay may isang babaeng pulubing dumating. “Neneng, maari bang makahingi ako ng kaunting pagkain.” Pakiusap sa pulubi. Subalit para bang nindi ito narinig o nakita man lang ni Pina. Ilang ulit na nakiusap at nagmakaawa ang pulubi subalit tumayo lamang si Pina at dahan-dahang lumakad na papalayo. Sa galit ng matandang pulubi siya ay sinumpa. “Dahil sa hindi mo man lang ako tinulungan, para bang wala lang nakita o narinig magmula sa oras na ito dadami ang iyong mga mata upang madali mong makita ang mga taong nais humingi ng tulong sa iyo.” Sabi ng pulubi.

Matapos sabihin ng matandang pulubi ang mga katagang ito ay nagbago ang anyo ni Pina. Ang kanyang mga kamay at paa ay naging ugat na tumanim sa lupa, ang kanyang buhok ay ang kanyang korona at naging kulay berde at nagpuro mata ang buo niyang katawan. At ang pulubi’y biglang naglaho. Samantala’y hinanap si Pina ng kanyang ina. Naisipan ni Aling Maria na magtungo sa bakiran nila upang hanapin si Pina. Sumapit na ang gabi ay hindi pa rin niya makita si Pina. Isang araw habang si Aling Maria ay nasa kanilang bakuran, may nakita siyang kakaibang tanim. Ito ay hugis ulo at punong-puno ng mata. Noon lamang siya nakakita ng ganoong uri ng halaman. Hindi mapigil ni Aling Maria na mag-isip tungkol sa halaman sa kanilang bakuran. Naalala niya nab ago nawala si Pina ay nasabi niya ang sana ay magkaroon ito ng maraming mata upang makita niy ang kanyang hinahanap. Ang halamang ito ay napamahal na sa kanya at araw-araw niya itong dinidiligan upang tumagal ang buhay. Lumipas ang maraming taon at sa tuluyang paglalaho ni Pina ay tinawag nila ang halamang ito na Pinya, bilang pag-alaala sa isang dalagang malabo ang mata.

No comments:

Post a Comment