Saturday, June 26, 2010

ALAMAT NG UNGGOY

Noong unag panahon, ang mag-inang Mara at Karim ay naninirahan sa isang nayon malapit sa gubat. Si Karim ay sampung taon gulang na at ito’y may kakaibang ugali. Sutil siya, matakaw, maninira, mang-uumit, anumang bagay na kanyang mahawakan ay nasisira matapos butingtingin. Kahit gaano karaming pagkain ang itago ng kanyang ina ay inuumit at inuubos niya. Si Karim ay maharut, magulang at may katusuhan. Iniiwan siya ng mga bata. Madals makikita mo siyang nasa taas ng puno na may kinakain na saging o mabulo.
Dahil sa nag-iisang anak, kahit anuman ang gawin ni Karim’y mahal pa siya ng ina ang katunayan si Mara lang ang gumagawa sa loob ng bahay. Si Kiram ay hindi niya inuutusan dahil maghapon siyang wala. Naroon siya sa bakuran, kung di naman ay sa loob ng gubat at naglalambitin sa mga baging. Si Karim ay kinamumuhian ng kanilang kanayon dahil puro kabuwisitan ang ginagawa niya. May nagsasabing inubos daw ni Karim ang bunga ng kanilang saging. May nagsusumbong na kinagat daw at kinalmot ni Karim ang kanyang anak.
Isang araw ay si Mara ay nagtungo sa kaingin upang humukay ng kamote. Bago siya umalis ay pinagbilinan ang anak na magsaing ng kanilang pananghalian. “Huwag mong lalakasan ang apo’y, mahirap na ang masunugan.” Bilin ng ina. Pag-alis ng ina’y nagsaing na si Karim. Habang binabantayan nang iniluluto, siya’y nakatulog. Nasunog ang kanin. Isang kapirasong gatong ang natikwas at nalaglag sa sahig at ito’y nagliyab at nagsimulang masunog ang bahay. Nagising si Karim at tumakbo patungo sa loob ng gubat. Hindi makapaniwala si Mara nang makita ang nangyari sa bahay. Nagtungo siya sa gubat subalit talagang wala si Karim. Sa matinding galit ay naisumpa niya ang anak. “Karim, dahil sa kasamaan mo’y isinusumpa kita! Sanay maging isang hayop ka.” Samantala’y unti-unting nagbago ang anyo ni Karim. Ang buong katawan niya’y tinubuan ng mababang balahibo. At nagkaroon siya ng buntot. Pagkalipas ng ilang oras ay nagising si Mara at laking gulat niya ng makita niyang isa nang unggoy si Karim. Nagsisi at napaluha siya subalit huli na ang lahat.

ALAMAT NG KAWAYAN

Noong unang panahon, ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabang ito lagging taas noo. Ipinagmamalaki nito ang makinis na katawan.
Berdeng-berde ang kabuuan ng Kawayan. Sariwang-sariwa ang kulay nito lalo na kapag nasisikatan ng araw.
Pero mainggitin ang Kawayan. Lagi at lagging naiinis siya kung hindi pinahahalagahan. Kapag nalalaluan. Siya ng ibang puno at halaman ay nagtatanim siya ng galit. Masama siyang mapahiya sapagkat tumatawag siya ng kaibigang handing maghiganti upang maiangat lang ang narumihan niyang pangalan. May isang pagkakataong naparaan ang ilang kabataan sa kagubatan. Napalinga-linga sila. Nang makitang wala man lang bunga ang kawayan, nilayuan nila ito.
Nilapitan nila ang puno ng Bayabas at Santol. Tuwang-tuwa sila sa pamimitas ng mga bunga. Inilapag nila sa damuhan ang dilaw na dilaw na santol at berdeng-berde na mga Bayabas. Nilapitan din nila ang mga puno ng Makopa at Caimito. Namitas sila ng bunga. Matatamis at pulang-pula ang Makopa. Hinog na hinog na rin ang mga Caimitong kulay lila.
Tuwang-tuwa ang mga kabataan habang ang mga prutas ay pinagsasaluhan. Inggit na inggit naman si Kawayan. Wala siyang bunga na maipapamigay. Wala siyang silbi kung prutas ang pag-uusapan.
Sa galit ni kawayan ay tinawag niya ang kaibigang Hangin. Pinakamalakas na ihip ang higanti ni Hangin. Nabagsakan ang lahat ng bunga ng Bayabas, Santol, Caimito at Makopa. Tuwang-tuwa si Kawayan.
Minsan ay may nagawing magkasintahan sa kagubatan. Napalinga-linga ang binata. Nang makitang walang bulaklak na mapuputol sa puno ng kawayan ay nilayuan nila ito. Natuwa sila nang malingunan ang mga halamang Rosal at Sampaguita. Dali-daling namitas ng mababangong bulaklak ang binata. Ang mahalimuyak na Rosal at Sampaguita ay handog na nakapagpapaligaya sa dalaga. Dahilan sa magagandang bulaklak, ang magkasintahan ay lalong pinagbigkis ng matapat na pag-iibigan.
Inis na inis na naman si Kawayan. Wala siya kahitisang bulaklak na maiaalay. Sa pagkahiya sa sarili tinawag niya ang kaibigang Ulan.
Sundo-sunoran si Ulan. Upang maipag higanti ang Kawayan., pinalakas ng Ulan ang kanyang patak. Nasira ang mga tangakay ng magagandang bulaklak na Rosal at Sampaguita. Palihim na napangiti si Kawayan.
Isang tanghaling tapat ay may dalawang matandang nahapo sa paglalakad. Upang makapagpahinga, naghanap si Lolo Guillermo at Lola Jovita ng punong may malalabay na sanga. Hindi man lang nila napansin ang mga sanga ng Kawayan pagka’t makikitid ang dahon nito. Natuwa sila ng matanawan ang puno ng Banaba. Talagang malalapad ang mga dahon nito na masisilunagn kung ikaw ay maiinitan ng sikat ng araw. Napansin ito ng nakasimangot na Kawayan. Nang makaalis na sina Lola Jovita at Lolo Guillermo ay tinawag ni Kawayan ang mga kaibigang Tagak. Ipinaghiganti ng mga Tagak ang inggit na si Kawayan sa pamamagitan ng pagpigtal sa lahat ng dahon ng Banaba. Nakalbo ang kaawa-awang puno na lubhang ikinagalak ni Kawayan.
Lingid sa kaalaman ni Kawayan, nakarating kay Bathala ang pagiging mainggitin at mapagmataas nito. Bilang parusa, ang lagging nakatingalang Kawayan ay pinayuko ni Bathala kapag nahihipan ng malakas na hangin. Ang pagyuko ni Kawayan ay pagbibigay halaga sa anumang biyayang handog ni Bathala ay dapat na pahalagahan. Na ang inggit ay di dapat mamugad sa puso ninuman.

ALAMAT NG PINYA

Noong araw, sa isang malayong bayan ay may naninirahang mag-asawa. Si Mang Juan at si Aling Maria. May anak silang dalaga si Pina. Mabait si Pina subalit siya ay may karamdaman at may kalabuan sin ang kanyang mga mata, ngunit hindi ito dahilan upang hindi niya sundin ang mag ipinag-uutos ng kanyang mga magulang. Ipagagamot sana ng mga magulang niya si Pina sa isang espisyalistang doctor sa mata, subalit ayon sa kanya mawawala rin ang panlalabo ng kanyang mga mata sa kalaunan. Ang katutuhanan nito’y dahilan lamang niya upang makaiwas sa mga iniuutos sa kanya at mas makapag-pahingan siya ng matagl.

Isang araw ay naisip ng kanyang ina na magpatulong sa paglalaba. Umiral na naman ang katamaran ni Pina. Imbes na tumulong siya sa paglalaba ay nagdahilan siya na sumasakit ang kanyang ulo dahil sa panlalabo dawn g kanyang mga mata. Mabuti na lang at nakapagpigil sa kanya ang kanyang ina at inunawa na lamang ang kalagayan ng anak.

Isang hapon dali-daling inutusan si Pina ng kanyang ina na kuhanin ang kaldero na paglulutuan ng pagkain dahil malapit nang dumating ang kanyang ama.

At si Pina ay sumunod naman s autos ng kanyang ina, subalit ng hindi na niya makita sa dating pinaglalagyan at ayaw na niyang maghanap pa. “Hindi kop o makita ang kaldero ina, marahil ay nawawala po ito.” Ang sabi ni Pina. Sa narinig ng kanyang ina ay hindi maialis na magalit it okay Pina. “Ano ka ba naman PIna?” paanong mawawala ang kaldero gayong kahapon lamang ay ginamit pa natin ito. Matuto ka namang maghanap. Sana ay tubuan ka ng maraming mata upang makita mo ang hinahanap mo,” ang hindi mapigil nag alit ng ina.

Si Pina ay malungkot na umalis upang hanapin ang kaldero. Nagtungo siya sa malapit sa kanilang tarangkahan at doon ay naupo sioya sa may ilalim na puno. Habang siya’y nagmumun-muni ay may isang babaeng pulubing dumating. “Neneng, maari bang makahingi ako ng kaunting pagkain.” Pakiusap sa pulubi. Subalit para bang nindi ito narinig o nakita man lang ni Pina. Ilang ulit na nakiusap at nagmakaawa ang pulubi subalit tumayo lamang si Pina at dahan-dahang lumakad na papalayo. Sa galit ng matandang pulubi siya ay sinumpa. “Dahil sa hindi mo man lang ako tinulungan, para bang wala lang nakita o narinig magmula sa oras na ito dadami ang iyong mga mata upang madali mong makita ang mga taong nais humingi ng tulong sa iyo.” Sabi ng pulubi.

Matapos sabihin ng matandang pulubi ang mga katagang ito ay nagbago ang anyo ni Pina. Ang kanyang mga kamay at paa ay naging ugat na tumanim sa lupa, ang kanyang buhok ay ang kanyang korona at naging kulay berde at nagpuro mata ang buo niyang katawan. At ang pulubi’y biglang naglaho. Samantala’y hinanap si Pina ng kanyang ina. Naisipan ni Aling Maria na magtungo sa bakiran nila upang hanapin si Pina. Sumapit na ang gabi ay hindi pa rin niya makita si Pina. Isang araw habang si Aling Maria ay nasa kanilang bakuran, may nakita siyang kakaibang tanim. Ito ay hugis ulo at punong-puno ng mata. Noon lamang siya nakakita ng ganoong uri ng halaman. Hindi mapigil ni Aling Maria na mag-isip tungkol sa halaman sa kanilang bakuran. Naalala niya nab ago nawala si Pina ay nasabi niya ang sana ay magkaroon ito ng maraming mata upang makita niy ang kanyang hinahanap. Ang halamang ito ay napamahal na sa kanya at araw-araw niya itong dinidiligan upang tumagal ang buhay. Lumipas ang maraming taon at sa tuluyang paglalaho ni Pina ay tinawag nila ang halamang ito na Pinya, bilang pag-alaala sa isang dalagang malabo ang mata.

Thursday, June 24, 2010

Do You Want Some Help In Your Online Business

Want to earn more income? This is the best site for you! Onin’s Perspective has the best ideas and information you need to know when it comes to technology and online business.

Onin’s Perspective is a technology website which helps us to earn more income online. It teaches us how to boost our search engine sites, and give us plenty of tips about Search Engine Optimization, Page Ranking, Social Media and Many more. It has online store of the latest gadgets, sponsored by amazon.com.

You may register in neobux and 888 bux for the PTC site or pay to click site which can be seen at the sidebar of the site and these are hundred percent legitimate and you will be paid thru your Pay Pal Account.

Onin’s Perspective also advertised and published advertisements, and it is one of a kind website. It offers a link building site or exchange link from other site, just PM or BUZZ them to help others to crawl their website.

That’s why the description of Onin’s Perspective is to bring technology beyond. Don’t hesitate to visit the Onin’s Perspective website, act now before you will regret it.

Please don’t forget to leave a comment in whatever content you read. Thank you very much for your support.

Idiom's Part Two

Be on the point of doing something
Meaning: To be just about to do something.
Example: Mikko was on the point of leaving when Cheska arrived.

By Jove
Meaning: Used to convey surprise, or to emphasize a conviction.
Example: By, Jove! What have you done?

Eat your words
Meaning: To admit humbly that you were wrong or mistaken.
Example: Be careful with what you say or you might eat your words.

Foot it
Meaning: To walk rather than ride in a vehicle.
Example: we had to foot it all the way to school.

For keeps
Meaning: Permanently or forever.
Example: Vincent promises Nikki his love is for keeps.

Go places
Meaning: To be successful.
Example: his teachers believe Jan Micheal

Go over with a bang
Meaning: To be very successful.
Example: The new star search went over with a bang. There was over a thousand questors who auditioned.

Hit the nail on the head
Meaning: to be absolutely correct or accurate.
Example: The quiz show contestant hit the nail on the head.

Hold all the aces
Meaning: to have all the advantages
Examples: Jovy will surely be the victor. She holds all the aces in her hand.

Keep the wolf from the door
Meaning: to be enough to prevent hunger or starvation.
Example: The old man’s saving will keep the wolf from the door.

In a flash
Meaning: Brief moment or instant.
Example: Tatti will keep her promised to be here in a flash.

Make a big deal our of something
Meaning: To make a fuss about something unimportant.
Example: Camilla’s friend are fed up with her because she always make a big deal out of something.

Idiom's Part One

A cut above

Meaning: Somebody or something superior to somebody or something.

Example: The diamond is a cut above the rest.

A dog’ life

Meaning: A wretched existence.

Example: The homeless family is living a dog’s life.

A done deal

Meaning: Something that has already been settled or finalized.

Example: The contract with the company is a done deal.

Feather in somebody’s cap

Meaning: An act or achievement that gives somebody cause to be proud.

Example: Being asked to be the guest of honor is a feather in my cup.

A labor of love

Meaning: Something demanding or difficult that is done just for pleasure rather that for money.

Example: Caring for the autistic children is a labor of love.

A leap in the dark

Meaning: An action taken without knowing what the outcome or consequences will be.

Examples: His decision to go to Iraq is a leap in the dark.

A man of his word

Meaning: Somebody who keeps his promise

Examples: I have always trusted my father because he is a man of his word.

A mouth to feed

Meaning: Somebody who must be provided for, especially fed.

Example: John’s wife had given birth to an other son. He has another mouth to feed.

At first sight

Meaning: On seeing something or somebody for the first time.

Example: Paula knew all along that JM loves her at first sight.

A stab in the back

Meaning: a betrayal or act of treachery.

Example: Krissy could not believe that her best friend could stab her in the back.

A walking encyclopedia

Meaning: Somebody who is very knowledgeable.

Example: Ernie Baron is considered to be a walking encyclopedia.